Miyerkules, Mayo 23, 2012

Isang Pasasalamat Mula kay Cruzader


Hey Four-One!Ilang oras na lang magtatapos na ang chapter ng high school. At para sa mga di updated na next week pa magbubukas ng FB,tapos na. Wala na. Nakagraduate na tayo. Haha ayun, just wanna say some things na maaring hindi ko nasabi sa inyo during the times na magkakaklase pa tayo.

First of all, THANK YOU sa lahat-lahat. Salamat sa happy moments, sa tawanan, kwentuhan, biruan, asaran, atbp. Basta. Haha you guys made my high school life worth remembering. Remember sa mga practice, nauuna pa yang mga ganyang bagay tapos after two hours magsisiuwian na iyong iba tapos saka pa lang mag-iistart. Dati kasama ko dun sa mga nagwawalk-out, pero lately, I realized kung gaano kahalaga ung mga moments na yun. Thank you din for changing my personality in a good way. Dati, ako iyong tipo ng estudyanteng 'di makausap ng matino. Tatahitahimik lang. Sabi pa nga ng iba, autistic haha abnormal. But thanks to all of you guys, medyo umunlad na ko. I'm sure lahat naman tayo nagbago because of each other. Tingnan niyo si Merwin, nung 1st year yan 4'9"..ngayon 4'10" na haha peace Berto. Salamat din dun sa mga klasmeyts na laging nandyan during the hard times. Kilala niyo na kung sino kayo. Marami pa kong dapat ipagppasalamat pero saka na haha aabutin ako ng madaling araw dito.
 
SORRY. Mabait man akong tao (chos), I admit marami akong nagawan ng kasalanan at mas marami, kasinungalingan. Haha SORRY SORRY SORRY. Ang latest syempre, ang FIELD TRIP. Haha muli, sorry kung sa tingin niyo nga ay nagbago ang aming ugali ni Chester.Pasensya na rin kung sumama kami sa iba nung field trip at nung last week ng school days. Haha nagkagalit pa kung kelan magtatapos na haha peace na po:))

Lastly, GOODLUCK and HOPE TO SEE YOU SOON. Ang mensaheng ito ay hindi para kay Ritzchelle at Patrick dahil magkakasama na naman kami at pare-preho pa ng course haha joke. Graduate na nga tayo eh. So hiwa-hiwalay na. May mag-uUP Diliman, PUP, TUP,UST, CMU, LPU, AdU, UE, UPLB, etc etc. AW. Sad to say, madalang na magkikita ang karamihan sa atin. Kaya mag-GLOBE na kayo, XD. So goodluck sa ating college life, I hope na maging masaya. (Pero wala pa ring tatalo sa HS Life :))) Sana walang isnaban sabi nga ni Mer, baka magmura din ako LOL haha. Sana pag may pagkakataon, let's still meet each other. Maganda siguro mga end of May swimming tayo. After sumaprobinsya ng iba hahaha peace Mer, ilang beses na kita nababanggit haha may bayad to. Kidding aside, let us look forward to that time when we shall meet again, that time, sana natupad na natin ang mga pangarap natin sa life map na makapag-abroad, makapangasawa haha, makapagtrabaho sa good companies, at makilala. Walang limutan ha mga letsu kayo XD Love you always guys! I'll surely miss you all!

Un lang mga WanWan, Wantu, Wantri, Tuwan, Triwan, Porwan, at Portu Alumni Batch 2012. Para sa individual messages na ipPM ko rin naman, abangan niyo ung next document. Congratulations sa ating lahat! Till then. Long live, Batch 2012!!!

Lights..Camera..KOPYA!

Katatapos lang ng Filipino, Math niyo na at mayroon kayong isang mahabang pagsusulit tungkol sa trigonometric functions. Kapag hindi mo napasa ang eksamin na ito ay siguradong ipapatawag ang magulang mo.Hindi mo alam ang mga gagamiting formula dahil hindi ka nakapag-aral kakalaro ng DOTA kasama ang mga kaibigan. Nagkataon na ang katabi mo ay isa sa mahuhusay sa klase lalo na sa mga numero. Kaya’t ano ang gagawin mo? Syempre, mangongopya ka.

Aminin na natin, kahit ikaw ay matalino o bobo, masipag o tamad, madaldal o tahimik, magaling o naggagaling-galingan, isa na ito sa mga karaniwang gawain ng isang estudyante. Sabi nga nila, isa itong talent na pinagyayaman at nalilinang sa bawat tanong sa eksam na hindi alam ang sagot. Sa isang aklat nga ni Bob Ong, isa sa mga sikat na manunulat sa ksalukuyan, sila o tayo ay mga “leather goods-- mga estudyanteng maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.”

Natural lang ang pangongopya lalo na sa hayskul. Natututo kang gumawa ng mga bagay na pinagbabawalan ka dahil naeengganyo tayong malaman kung bakit nga ba ito hindi pwedeng gawin. Sa isang simpleng tanong na “x + 5=4, find x” na mukhang hindi kayang sagutin ay tila hinihila ang iyong mga mata papunta sa papel ng katabi. Sa pagdaan ng mga araw at madaming pagsusulit na dumadaan, kadalasan na kahit alam mo ang sagot ay di pa rin mapigilang sumulyap sa kaliwa at kanan para malaman kung tama ba ang ating isusulat.
Marahil ay sinasabi ng iba na “Teka,teka, hindi pa ako nangongopya sa talambuhay ko! ” o “Hindi ako nangongopya, ako ang nagpapakopya”. Kahit pa sabihing hindi mo ginagawa ang gawaing ito ngunit ang katotohanan ay sangkot ka rin sa pagpapalaganap ng kultura ng pangongopya. Maraming pagkakataon na tinutulungan mo ang iyong katabi na bawasan ang kanyang mga pasanin sa pamamagitan ng pamamahagi mo ng karunungan sa iyong mabuting hangarin. Siguro ay para rin sa pakikisama mo sa iyong mga kaklase at para hindi matawag na makasarili. Ayaw mo din namang makita ang iyong mga kamag-aral na bumagsak sa pagsusulit na hindi pinaghandaan.At kung minsan, dahil din sa mga guro na ginagawang “right minus wrong” ang mga eksam ay kailangan na talaga ng pagtutulungan upang malagpasan ang pagsubok.

Kakaiba na talaga ang mga estudyante ngayon. Kung dati ay pakodigo-kodigo lang, ngayon ay garapalan na ang pandaraya sa pagsusulit. Nakatingin na nga ang guro, sige pa rin sa pagkopya. Isa na nga siguro ito sa mga karanasang itatago mo hanggang sa ikaw ay tumanda. Mga alaala ng napakasayang hayskul life.

Nagsimula ang Lahat sa Eskwela...




Naranasan mo na bang mahuli ng guro habang nangongopya sa isang pagsusulit? Napagalitan ka na ba dahil palagi kang late sa pagpasok sa eskwela?Iyan ay ilan lamang sa mga eksenang bumabalot sa ating pangaraw-araw na buhay. Saan pa? Sa ating Hayskul Life.

Sabi nga nila, ito raw ang pinakamasayang parte ng ating pag-aaral, o ng ating buhay mismo. Dito mararanasan ang dalawang bahagi ng ating  buhay: ang hirap at ang sarap.

Sa hayskul mo  matatagpuan ang ilan sa maliligayang sandali, mga alaalang hindi mo malilimutan hanggang ikaw ay magkolehiyo, magtapos ng pag-aaral, magkatrabaho, at pagkapamilya: unang crush, unang sayaw, unang kasintahan at sa iba, unang halik.

Hindi rin mawawala ang mga pasakit bilang estudyante na magdadala sa iyo sa pagkakataon na sasabihin mong “Ayoko nang pumasok!”,” Ano ba ‘yan, Lunes na naman, may pasok na naman!” at “ Ang hirap mabuhay!”: mga istriktong guro, sakit ng ulo dahil sa mga proyekto, at mga kamag-aral na walang ibang alam gawin kung hindi mang-asar.

Sa kabila nito, patuloy pa rin tayong pumapasok sa paaralan. Tila ba may isang bagay na bumabatubalani sa atin upang ipagpatuloy ang pag-aaral rito kahit na maraming hadlang at pasanin na pinapataw sa ating likuran sa bawat isang klaseng natatapos.

Sa halip na magandang umaga o magandang hapon, “Anu-ano ang mga takda?”, “Pakopya nga, wala pa akong asaynment”,  at “Pahingi nga ng papel tapos pakopya na rin”, ang palaging bubungad sa iyo sa pagpasok mo sa inyong silid-aralan. Mga litanyang kapag narinig mo ay mapapangiti ka at sasabihing “ Oo nga pala, wala pa din ako, sino sa inyo ang mayroon na?”. Bukod pa rito ang mga pinakahihintay na sabihin ng guro tulad ng “ Suspendido ang klase dahil sa bagyo” o ‘di kaya’y “ May meeting ang lahat ng mga guro kaya maaga ang uwian ninyo” na napakasarap pakinggan sa ating pandinig.

Pagdating sa mga pagsusulit, hindi na uso ang mga kodigo na nakasulat sa maliit na papel na sisilipin tuwing hindi nakatingin ang guro. Kailangan ng kasanayan sa pangongopya at katapangan upang makaligtas mula sa isang palakol na marka. Sa hayskul, ang pagkopya ay hindi isang kasalanan, isa itong talento. Isang talentong malilinang sa bawat eksamin na dapat sagutan at ipasa.

Matatagpuan mo rin dito ang mga tunay na kaibigan na aagapay sa iyo sa lahat ng oras, mapaligaya o problema. Sila ang makakasama mo tuwing suspendido ang klase at gusto ninyong gumala at lumibot sa ibang lugar upang hindi masayang ang baon. Ngunit narito rin ang mga huwad at mapagpanggap na hindi na maiaalis sa realidad. Wala ka nang magagawa, kailangan mo silang pakisamahan dahil parte sila ng pagsubok na bahagi ng buhay na ito.

Sabi nga ng isang awit, “Hayskul Life oh my Hayskul Life, walang kasing-saya”, kaya ating sulitin ang lahat ng tuwa at galak na ating nararanasan habang kapiling natin ang ating mga kaklase, mga guro at iba pang kamag-aral. Apat na taon lang tayong magkakasama sa iisang paaralan. Huwag nating sasayangin ang 5,166,000 segundo  ng tawanan,  86,100 minuto ng kopyahan, 1,435 oras ng biruan, 205 araw ng asaran, 40 linggo ng kasiyahan, at 10 buwan ng kulitan.

Ang Pakikipagsapalaran ni Isko Para Maging Iskolar ng Bayan



Bakasyon noon. Walang magawa si Isko sa kanyang bahay. Bigla niyang naisipan ang kolehiyo. Dahil sa pasukan ay isa na siyang graduating student sa kanyang paaralan. Tinanong niya ang kanyang sarili, "Saan kaya ako mag-aaral? Ano kaya ang kursong kukuhanin ko?" Wala pa siyang kaide-ideya noon sa kung ano nga ba ang magandang unibersidad at ang kursong gusto nyang kuhanin.


Tinanong niya ang kanyang mga magulang. "Sa UE ka na lang. Para malapit kung sakaling may bagyo, may baha, makakauwi ka agad. Maganda ang Accountancy diyan, diyan nag-aral ang ninang mo eh." Tinanong niya ang kanyang mga kaklase, "UP ang dream school ko, gusto ko maging Iskolar ng Bayan!" Kaya dahil walang alam si Isko, nakigaya na lang siya. Sinimulan niya ang pagreresearch tungkol sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siya ng application form sa Office of Admissions ng UP. Sinunod niya ang payo ng kanyang magulang na kunin ang BS Business Administration and Accountancy bilang 1st choice ngunit hindi pa siya makapili ng 2nd choice.

Unang araw ng pasukan. Masasabing napakaswerte ni Isko dahil ang kanilang naging adviser ay may malawak na kaalaman sa pagpili ng career na tatahakin at paaralang papasukan. Nagbigay ng mga payo ang kanilang guro. Dapat daw ay in demand ang kursong kanilang kukunin at ang mahigpit na ibinilin sa kanila nito ay kumuha ng Engineering course dahil sila ay nasa Engineering and Science  Education Program. Naisipan ni Isko na kunin ang BS Computer Engineering bilang 2nd choice. Pagkatapos makumpleto ang lahat ng dokumento ay ipinasa na nina Isko ang form sa kanilang guro na siya namang nagpasa nito.

July na noon, dumating ang mga alumni ng paaralan na kasalukuyang nag-aaral sa UP upang magconduct ng Entrance Test Review lalo na sa mga magtatake ng UPCAT. Noong una ay ganado pa si Isko at ang kanyang mga kaklase na umattend sa review sessions. Marami rin naman silang natutunan at nabigyan din sila ng tips sa pagtake ng exam. Ngunit katagalan ay nagkaroon na ng busy schedule ang buong klase kaya konti na lang ang nakapunta.

Dumating ang araw ng exam. Kasama ni Isko ang kanyang tatay at 2 pang kamag-aral. Ngayon lang nakapunta si Isko sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi niya alam na ganoon pala ito kalaki  at halos naligaw na sila sa paghahanap ng National Institute of Physics. Noong una ay kabado si Isko dahil ang UPCAT ay ang pinakamahirap na entrance exam sa college. Ngunit ng nagtagal ay nagulat siya at di niya inexpect na mas madali ito kumpara sa nakaraang taon. Nakumpleto niya ang exam at may pag-asang papasa siya.

Sa mga buwan ng paghihintay ng resulta ng UPCAT ay nag-apply rin siya sa iba't ibang unibersidad gaya ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, Far Eastern University at University of the East. Bumagsak man siya sa ACET ay naipasa niya naman ang tatlo pa. At dumating na ang araw napinakahihintay ng UPCAT Takers ng hindi inaasahan.

Nasa library noon si Isko at abala sa kanyang paggawa ng thesis. Nagtext ang isa niyang kalase na lumabas na raw ang results ng UPCAT. Agad siyang umuwi at tinignan ang resulta. Una niyang tinignan ang mga matatalino niayang kaklase ngunit hindi sila nakapasa kaya lalo siyang kinabahan. Hinanap niya ang kanyang pangalan. Woohoo! Pasado si Isko sa kursong BS Computer Engineering at may 7 iba pa mula sa kanyang paaralan.

Ngayon, si Isko ay isa nang ganap ng Iskolar ng Bayan. Isang lalaking noon ay walang muwang sa kolehiyo ngunit ngayon ay isa nang masigasig na mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, ang unibersidad ng "Honor and Excellence."